Nagbabagang araw. Nag uunahang traysikel. Palakad lakad na mga nilalang.
Natapos ko ng mas maaga sa inaasahan ang misyon ko sa araw na 'to, kaya naman napagdesisyunan ko munang pakiramdaman ang Baliuag, Bulacan. Limang hakbang pa lamang, excited na ako hugutin mula sa bitbit kong bag (na hiniram ko sa Ate ko) ang paborito kong payong. Dali-dali kong tinulak pataas ang berdeng payong para naman maibsan ang pag prito ng haring araw sa aking balat. Ang brain cells ko'y tila di magkamayaw sa pag litaw ng imahe ng aircon na may malamig na malamig na buga ng hangin. Pero wala pang limang segundo, hinili ko ang payong pababa, itinali, at ibinalik kung saan siya nagmula. Sinabi ko sa sarili ko, "Patrizia, masyadong maganda ang araw na ito para magmadali." Chill.
Sa pangungusap ng aking konsensiya, hinugot ko ang MP3, hinanap ang L at R at inilagay sa tamang tenga ang mga bilog na earphones. Pumili ako ng kanta hanggang manakaw ang aking atensyon ng "Follow Me" by Uncle Kracker. Sinuyod ko ang Baliuag. Habang sumasabay ako sa saliw ng kanta ni Tiyong Kracker, nararamdan ko ang dating mainit na sikat ng araw na tila bang dahan dahang sumasarap ang dampi sa aking balat. Naglakad ako sa ilalim ng bugso ng init ni haring araw na para bang matagal ko ng kailangang gawin 'to, na para bang ito at ito lamang ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to ng buong buhay ko. Narating ko ang isang malaking bilog na itago na lamang nating sa pangalang "Glorietta." Nagmasid masid ako sa aking kapaligiran at nadaanan ng aking paningin ang mga nakaparadang motor. Napangiti ako habang sinasabi sa aking sarili na "hanggang ngayon, tumatambay pa rin pala sila dito."
Narating ko ang dulo ng Glorietta. Narating ko ang harap ng St. Agustin Church. At sa wakas, naaaninag ko na ang imahe ng Golden Arches, patunay lamang na nalalapit na ako sa tambayan namin noong suot pa namin ang berde at puting uniporme ng SJBA. Narating ko ang McDo.
Dumiretso ako sa CR tulad ng nakagawian ko simula ng tumuntong ako ng SJBA. Lumabas. Pumila. Umorder ng Sundae. Oo, mahaba ang nilakad ko para lang makapag ice cream sa McDo. Tutal, ang habol ko lang naman ay ang sariwain ang ilan sa mga memoryang naging matibay na pundasyon ng aking masayang kabataan.
Umupo ako malapit sa entrance kung saan tanaw ko ang halos kabuuan ng Baliuag. Siniyasat ko ang mga taong McDo na tila bang gusto ko makahanap ng pamilyar na mga mukha. Sa kasamang palad, di ko kilala ang tatlong kabataang sa tabi ng table ko na kanina pa maingay. Umupo ako sa pwesto kung saan binasa ni Darren ang text ni Jj na mag susuicide na daw siya dahil nag away sila ng girlfriend niya (na ngayon ay pinagtatawanan na lang namin). Dumating sa aking isipan ang malinaw na pag dumog namin sa McDo tuwing Biyernes, pagtapos ng PMT, tuwing Sabado kapag may group project or group practice. Halos di mapigtas ang mga ngiti sa aking labi, lalo na't tumutugtog ang Mirror Mirror ng M2M. Reminsce kung reminisce.
Sundae lang ang kinain ko pero isa 'to sa pinakamasayang stay ko sa McDo. Salamat sa Diyos at masasayang pangyayari ng buhay ko lang ang naalala ko sa mga oras na 'yon. :}
Ibenta ko kaya sa McDo yung nangyari sa akin? Baka maging commercial. :P
Paparapapa Love Ko 'to! Prudence, McDo tayo soon.

No comments:
Post a Comment